Nakakatawa. Dito lang sa Amerika ako nakakita talaga ng naninigarilyo sa loob ng kotse na nakataas ang bintana. Hello?! Kung hindi man mga tanga ang mga taong yun, hindi ko na alam kung ano pang tawag sakanila. Tapos magtataka pa sila kung bakit sila mag-k-k-cancer. Hindi ba sila makapaghintay na umabot sa nearest Starbucks or at least to get out of their cars bago magsindi? Kung ano man ang sinabing kasalanan ng tobacco industry na ni-m-misrepresent nila ang real harm ng paninigarilyo sa paglagay ng "Lights" o "Low Tar", nasa discretion na yon ng smoker kung gagamit sya o hindi. Ang tanga naman ng maninigarilyo ng "Lights" or "Low Tar" kung ang isip nila ay less harmful yun. Nyek noh. Sa akin, mas gusto ko yun dahil mas light yung tama. Hindi dahil mas makakaiwas ako sa cancer. Kaya nasa discretion din yun ng smoker kung kailan sya magsisindi. Sa open air, or sa loob ng kotse na sarado ang bintana. Kung sabagay, sarili lang naman nilang hangin ang ni-p-pollute nila. Sige, okay lang. Wala na kong pakialam. Tanga parin sila though.
Labo kasi eh. Sobrang napasama yung tobacco industry at ni-rule ng isang judge yung misrepresentation na conspiracy pa daw. Hello?! Hindi ba yung mere fact na sinasabi nilang sigarilyo ang binebenta nila, enough na yun? Buti kung sinabi nilang candy ang laman ng pack. Yun ang misrepresentation.
Seriously, we don't have to make things complicated.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment